Mga Post

"Ang Magkakambal na Jaakmal", isang maikling kwento tungkol sa terorismo

Ang Magkakambal na Jaakmal Isang araw sa liblib na lugar ng Sulu mayroong isang lider ng terorista na nagngangalang Commander Al-Abar Jaakmal. Siya ay isang nakakasindak, tuso at sakim na lider ng teroristang grupo na Al-Taro. Marami na siyang buhay na nakikitil sa pakikipaglaban, miske sa maliit o sa malaking dahilan. Kabaliktaran nito ang kanyang kakambal na si Al- Sabanur el Kiram al Jaakmal, hindi siya mahilig makipaglaban ngunit siya ay bihasa rito. Sinasabing noong bata pa lamang sila ay si Al-Sabanur ay ang mas pinagtutuunan ng pansin ng kanilang Ama na si Mohammadi Saim al-Jaakmal. Noong bibigyan na ni dating Commander Mohammadi ang kanyang anak na si Al-Sabanur ay bigla itong tinanggihan kaya’t ibinigay ang kapangyarihan kay Al-Abar na hindi masyadong nahalata ng madla ang pinagkaiba ng dalawa dahil parehas silang may kakaibang balbas na patulis, mahaba at malago. Hindi tumagal ay nainggit ng lubos si Al-Sabanur sa kanyang kapatid dahil sa natatangi nitong kapangyarihan, ...

"Karapatang ? Pantao", isang sanaysay

Karapatang ? Pantao Patuloy pa ring lumalaganap ang walang habas  na pagpatay o kung tawagin ay “Extra Judicial Killing”. Bawat araw mayroong inosenteng taong kinikitil nang walang kalaban-laban. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang walang habas na pagpatay?             Ayon sa Philippine National Police, hindi bababa sa libo-libong tao ang namamatay dahil sa “Extra Judicial Killing”. Ang “Extra Judicial Killing” ay ang pagpatay sa isang tao na wala manlang “due process” o malalim  na pagpoproseso. Ang ilan sa mga biktima  ng “Extra Judicial Killing” ay sila Kian Lloyd Delos Santos na di umano’y tulak ng droga, Karl Angelo Arnais na sinasabing isang holdaper kaya’t pinatay. Ito ay ilan lamang sa mga taong pinatay nang walang sapat na ebidensya. Ito ay isa sa mga epekto ng “War on Drugs” na panukalang proyekto ng ating Pangulong Duterte para mapuksa ang droga. Para saan pa ang mga batas kung ito ay binabaliwaa l...

"Ako", isang tugmang malaya tungkol sa may-akda

Ako Ako si Manuel Lorenzo Donato Isang anak, estudyante at kaibigan sa ibang tao Nasasamo ko ang buhay ko na para bang litrato Dahil dito nakikita kung sino talaga ko Bilang estudyante ako’y mabait sa klase Hindi ako nahuhuli, maaga ako palagi Sa aking mga guro, ako’y masunurin Sinusunod ko ang kanilang mga alituntunin Bilang kaibigan, hindi ako nang-iiwan Problema man o pagsubok,lagi akong nandiyan Asahan mong tutulungan ka sa oras ng pangangailangan Ito’y pruweba na isa kong tunay na kaibigan Bilang anak, para akong kamara Dahil sa tingin ko lang sila’y sumasaya Pero paminsan minsan sila’y naiirita Kahit na gano’y mahal ko pa rin sila Aking mawawari na may iba’t iba kong katauhan Ngunit na kahit ganito’y isa lang ang aking larawan Mapa-anak man, estudyante o kaibigan Ipagkakaloob ko ng buo ang aking katapatan Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Bukang-liwayway", isang tulang tugma tungkol sa isyung panlipunan

Bukang-liwayway Marami ang problema ng ating bansa Na kung saan tayo rin ang nagdurusa Nag-aaway tayo parang aso’t pusa Kaakibat nito’y masamang resulta Isyu sa droga ang aking uunahin Pagiging galak ang kanilang hangarin Ngunit kasalungat nito ang epekto Imbis na galak sila’y naaaresto Walang habas na pagpatay ang kasunod Patay dito, patay don, saanmang lungsod Pero bakit kaylangang may mamamatay Patunay ba talaga ‘to ng tagumpay? Hindi mawawala ang isyung korapsyon Tila isa itong malaking polusyon Bakit ninanakaw ang kaban ng bayan Talaga bang ito na’y kinasanayan Simple lang naman ang sagot sa problema Kailangan lang natin ng disiplina Wag na wag tayong mawalan ng pag-asa Sisikat din muli ang bagong umaga Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Tagumpay", isang tulang tugma tungkol sa pangarap

Tagumpay Ano nga ba ang pangarap ko sa buhay Marahil ito ay maging matagumpay Di sigurado sa daang tatahakin Ngunit isa lamang ang aking mithiin Ang pag-aaral ay sisiguraduhin Pagiging estudaynte’y aking tungkulin Sa pag-aaral ay hindi magkukulang Pagmamalaki ‘to sa aking magulang Gagawin lahat ng aking makakaya Magulang ko lang ay aking mapasaya Magsisilbing katuwang nila sa bukas At mapanghuhugutan nila ng lakas Ito ang isa sa maraming pangarap Kahit na ito man ay napakahirap Patuloy pa rin akong magsusumikap Hanggang sa makamit ang aking pangarap

"Perlas ng Silanganan", isang tulang malaya tungkol sa Pilipinas

Perlas ng Silanganan O aking Pilipinas, Bansa kong minamahal May iba’t iba ka mang kapuluan Kitang-kita pa rin ang angkin mong kagandahan Ngunit ano na ang nangyari sa Perlas ng Silangan Nagkukumpulan sa Luzon Naiiwan ang Visayas At patuloy ang giyera doon sa Mindanao Ang magiliw dati na bayan ay parang nalulusaw Tayo na lang ang pag-asa ng bayan nating minamahal Wari ko’y tayo ay natumba Kaya’t magtulungan tayo at itayo ang isa’t isa Marahil ang iba’y nawalan ng pag-asa Ang tingin nila sa lupang hinirang ay di na kaaya-aya Ngunit kung pagmamasdan lang ito’y may angking ganda Itaas natin ang asul, Huwag ang kulay na pula Magsilbi tayong araw na magbibigay liwanag sa iba Patuloy nating paningningin ang mga bituin niya Ating iangat ang ating watawat at ipagmalaki ‘to sa iba Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Ang Munti Kong Paraiso", isang tugmang tula tungkol sa kalikasan

Ang Munti Kong Paraiso O natatangi kong inang kalikasan Kapuri-puri ang iyong kagandahan Ngunit bakit tila ito ay nagbago Nag-iiba na ang dating paraiso Akin ko paring naalala noon Panahong luntian pa ang mga dahon Napakabilis lumipas ang panahon Ano ang nangyari sa paligid ngayon? Ito ay unti-unti nang nasisira Dahil minaltrato, para bang si Sisa Ang ating paligid na pur luntian Ngayo’y nababalot na ng kadiliman Subalit mayroon pang pagkakataon Na baguhin ang mga nangyari ngayon Magtulungan tayong tanggalin ang lason Ating gawing leksyon ang nangyari noon Halika na, magtulungan at magbago Wala ‘tong talo, lahat tayo’y panalo Upang mabalik sa dati ang disyerto At magawa natin itong paraiso Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)