"Ako", isang tugmang malaya tungkol sa may-akda

Ako

Ako si Manuel Lorenzo Donato
Isang anak, estudyante at kaibigan sa ibang tao
Nasasamo ko ang buhay ko na para bang litrato
Dahil dito nakikita kung sino talaga ko

Bilang estudyante ako’y mabait sa klase
Hindi ako nahuhuli, maaga ako palagi
Sa aking mga guro, ako’y masunurin
Sinusunod ko ang kanilang mga alituntunin

Bilang kaibigan, hindi ako nang-iiwan
Problema man o pagsubok,lagi akong nandiyan
Asahan mong tutulungan ka sa oras ng pangangailangan
Ito’y pruweba na isa kong tunay na kaibigan

Bilang anak, para akong kamara
Dahil sa tingin ko lang sila’y sumasaya
Pero paminsan minsan sila’y naiirita
Kahit na gano’y mahal ko pa rin sila

Aking mawawari na may iba’t iba kong katauhan
Ngunit na kahit ganito’y isa lang ang aking larawan
Mapa-anak man, estudyante o kaibigan
Ipagkakaloob ko ng buo ang aking katapatan




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Tagumpay", isang tulang tugma tungkol sa pangarap

"Ang Magkakambal na Jaakmal", isang maikling kwento tungkol sa terorismo

"Bukang-liwayway", isang tulang tugma tungkol sa isyung panlipunan