"Ang Magkakambal na Jaakmal", isang maikling kwento tungkol sa terorismo

Ang Magkakambal na Jaakmal
Isang araw sa liblib na lugar ng Sulu mayroong isang lider ng terorista na nagngangalang Commander Al-Abar Jaakmal. Siya ay isang nakakasindak, tuso at sakim na lider ng teroristang grupo na Al-Taro. Marami na siyang buhay na nakikitil sa pakikipaglaban, miske sa maliit o sa malaking dahilan. Kabaliktaran nito ang kanyang kakambal na si Al- Sabanur el Kiram al Jaakmal, hindi siya mahilig makipaglaban ngunit siya ay bihasa rito. Sinasabing noong bata pa lamang sila ay si Al-Sabanur ay ang mas pinagtutuunan ng pansin ng kanilang Ama na si Mohammadi Saim al-Jaakmal. Noong bibigyan na ni dating Commander Mohammadi ang kanyang anak na si Al-Sabanur ay bigla itong tinanggihan kaya’t ibinigay ang kapangyarihan kay Al-Abar na hindi masyadong nahalata ng madla ang pinagkaiba ng dalawa dahil parehas silang may kakaibang balbas na patulis, mahaba at malago.
Hindi tumagal ay nainggit ng lubos si Al-Sabanur sa kanyang kapatid dahil sa natatangi nitong kapangyarihan, na minsa’y kanyang tinanggihan. Sa tingin niya’y nung  siya ang namuno sa Al-Taro ay hindi marami ang mamamatay at mas magiging payapa ang kanila pamumuhay sa Sulu. Isang gabi, pinlano ni Al-Sabanur na dakipin ang sarili niyang kapatid at tanggalan ito ng balbas. Sa grupo ng Al-Taro, tanging ang mga kalalakihang may balbas lamang ang itinuturing na makapangyarihan, bawal kang magpatubo nito kung mababa lamang ang iyong pwesto. Nanghingi ng tulong si Al-Sabanur sa kanyang matalik na kaibigan na si Josef Ismael Al-Karin upang madakip ang Commander. Noong sumunod na gabi ay kinausap ni Al-Sabanur ang kanyang kapatid upang magpulong tungkol sa nalalapit na labanan. Agad namang pumayag si Al-Abar. Nang binigyan ni Al-Sabanur ng senyas si Al-Karin ay dali dali niyang tinakpan ng tela ang mukha ni Al-Abar. Nagulat na lamang si Al-Abar na sa kanyang paggising ay nasa tulugan siya ng walang mga mahihirap, agad agad siyang pumunta pabalik ng kanyang tahanan, nang may nadaanan siyang palaisdaan. Dito niya naaninag na ang kanyang mukha. Hindi siya makapaniwala dahil mistulang naglaho ang kanyang kay haba-habang balbas. May narinig siyang lipon ng taong naghihiyawan at nagsisigawan kaya’t dali-dali niyang sinundan ang tinig na kanyang naririnig. Nang makita niya ang mga tao na natutuwa ay agad niyang ipinagtaka. Dito niya nakita ang kanyang mga tauhan na mistula sinasamba ang kanyang kapatid. TInanong niya ang kanyang katabi kung ano ang nangyayari at nalaman niyang tila nagbago ng pamamaraan ng pamumuno an glider nila, na si Commander Al-Abar Jaakmal. Agad niya itong ikinagulat at sinabing siya ang tunay na Al-Abar at dapat na siya ang bigyan ng respeto. Nagresulta lamang ito ng katatawanan at paglait sa kanya ng madla. Lahat ng malapit sa kanya ay binabalewala lamang siya. Wala siyang magawa kundi manghinayang at magduda kung ano ang nangyari. Naalala niya ang nangyari kinagabihan at natandaang nakipagpulong siya sa kanyang kapatid na si Al-Sabanur at bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Wari niya ay pinagplanuhan siya ng sarili niyang kapatid upang maagaw ang kanyang pamumuno bilang Commander. Nagtungo na lamang siya papunta ng lugar na kanyang tinulungan. Habang patungo siya roon ay naisip niya ang ang dati niyang sinisinta, na si Al-Alym.
            Agad niya itong pinuntahan sa kanyang tahanan.Pinapasok ni Al-Alym ang dati niyang kasintahan at dito na humingi ng tulong si Al-Abar. Kinwento ni Al-Abar kay Al-Al-Alym ang nangyari sa kanya. Kahit na may kinikimkim pa ring galit si Al-Alym ay tinulungan pa rin niya ang dating sinisintasa isa pang kondisyon. Dapat balikan ni Al-Abar ang dating sinisinta at ibalik ang dati nilang samahan, dapat ding ikimkim ni Al-Abar ang sikreto kung bakit sila naghiwalay ni Al-Alym. Pumayag si Al-Abar at nagpalipas muna ng gabi kayla Al-Alym. Kinabukasan ay nagplano na sila upang ibalik ang trono kay Al-Abar. Naalala ni Al-Alym na may kakamatay lang na tao na may katungkulan sa Al-Taro kaya nakaisip siya ng hindi kanais-nais na plano. Una ay magbibihis muna sila ng kasuotang hindi sila mamumukhaan at pagkatapos ay susubukan nilang hingin ang balbas ng maylabi upang magsilbing balbas ni Al-Abar, bagay na hindi niya sinang-ayunan dahil ang plano daw na ito ay para sa mga taong "utak monggo" lamang. Ikinagalit ito ni Al-Alym dahil sa tingin niya ito na lang ang natatanging solusyon lalo't narinig niya na ipapatigil na daw ng Commander ang giyera sa Sulu upang magkaroon na ng kapayapaan. Dito na napilitang pumayag si Al-Abar dahil kahit kailan at di niya pinlanong itigil ang giyera.
            Agad silang nagbihis at pumunta sa labi ni Al-Nad Zutra, ang pumanaw na namumuno sa Platoon E-1 ng Al-Taro. Kinausap nila ang asawa ni Al-Nad ngunit hindi ito pumayag na ibigay ang balbas. Labis itong ikinadismaya ni Al-Abar ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Al-Alym. Bumalik sila sa tahanan ni Al-Alym at nag-isip ng bagong plano. Naisip ni Al-Alym na bumalik ng hatinggabi at subukang nakawin ang labi ni Al-Nad, bagay na mas lalong nagpalungkot kay Al-Abar ngunit wala na siyang nagawa dahil paliit nalang ng paliit ang oras. Kinagabihan noong araw na iyon ay pinuntahan na nila ulit ang labi, at nagtagumpay sila. Pinunta nila ito sa maliwanag na lugar atsaka ginunting ang balbas ng labi. Binalik din nila ito ng walang nakakahalata. Pag-uwi sa tahanan ni Al-Alym ay kinorte na nila ang balbas sa mukha ni Al-Abar at sinubukan itong ilagay gamit ang kanin. Gumana ito at nagmukha na nga siyang isa na ulit na Commander. Nagpahinga na sila para sa panibago naming plano na kanilang gagawin kinabukasan. Hindi pa man sumisikat ang araw ay mulat na ang mata ni Al-Abar, sabik na siyang angkinin ulit ang trono. Maya maya ay nagising na rin si Al-Alym at nagsikilos na ang dalawa papunta sa bahay ni Al- Abar na ngayon ay tinitirhan na ni Al-Sabanur. Buti na lang ay alam ni Al-Abar ang mga iba’t ibang paraan papasok sa kanyang silid kaya’t agad nila itong napuntahan. Dito niya nakita ang kapatid na nag-aayos sa dati niyang silid. Hinarap ni Al-Abar ang kanyang kapatid habang may hawak na baril at tinanong kung bakit niya ito nagawa. Dito na kinwento ni Al-Sabanur na gusto niya lamang na mas mapaganda at tumahimik na ang Al-Taro para mawala na ang gulo, bagay na sa tingin niya’y di gagawin ng kanyang kapatid. Naalala niya tuloy ang nakaraan, ang pangyayaring nagbago ng kanyang buhay. Isang gabi dati, panahong binate pa lamang si Al-Sabanur ay may hindi siya sinasadyang nabaril sa kagubatan. Tumakbo na lamang ito at nalaman kinabukasan na namatay ang mag-asawang Al-Adnaloy at Al-Mar sa baril sa katawan. Di nagtagal ay kinwento niya ito sa kanyang Ama na Commander noong panahong iyon at ipinalabas nitong mga kalaban ang bumaril sa mag-asawa. Nagbunga din ito ng sapilitang paghihiwalay sa magkasintahang Al-Abar at Al-Alym noong tumagal. Kung hindi lamang daw nangyari iyon si Al-Sabanur sana ang Commander ng Al-Taro. Napaluha si Al-Alym at naalala ang mga araw na nangungulila siya sa pagkamatay ng kanyang magulang. Lubos ding nanlambot ang puso ni Al-Abar noong nalaman ang saloobin ng kanyang kapatid. Nagyakapan ang magkapatid at humingi ng tawad sa isa’t isa. Sa huli ay parehas silang humarap sa madla upang ianunsyo na ititigil na ang digmaan. Ikinatuwa ito ng lahat. Pinarating rin ng dalawa na simula sa araw na iyon ay parehas na silang magsisilbing pinuno ng Al-Taro. Dito natapos ang higit sa isang dekadang digmaan at nabuhay nang mapayapa ang Al-Taro sa pamumuno ng magkakambal na si Al-Abar, na nakipagbalikan kay Al-Alym at si Al-Sabanur.




Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Tagumpay", isang tulang tugma tungkol sa pangarap

"Bukang-liwayway", isang tulang tugma tungkol sa isyung panlipunan