"Perlas ng Silanganan", isang tulang malaya tungkol sa Pilipinas
Perlas ng
Silanganan
O aking
Pilipinas,
Bansa kong minamahal
May iba’t
iba ka mang kapuluan
Kitang-kita
pa rin ang angkin mong kagandahan
Ngunit ano
na ang nangyari sa Perlas ng Silangan
Nagkukumpulan
sa Luzon
Naiiwan ang
Visayas
At patuloy
ang giyera doon sa Mindanao
Ang magiliw
dati na bayan ay parang nalulusaw
Tayo na
lang ang pag-asa ng bayan nating minamahal
Wari ko’y
tayo ay natumba
Kaya’t
magtulungan tayo at itayo ang isa’t isa
Marahil ang
iba’y nawalan ng pag-asa
Ang tingin
nila sa lupang hinirang ay di na kaaya-aya
Ngunit kung
pagmamasdan lang ito’y may angking ganda
Itaas natin
ang asul,
Huwag ang
kulay na pula
Magsilbi
tayong araw na magbibigay liwanag sa iba
Patuloy
nating paningningin ang mga bituin niya
Ating
iangat ang ating watawat at ipagmalaki ‘to sa iba
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento