"Tagumpay", isang tulang tugma tungkol sa pangarap

Tagumpay

Ano nga ba ang pangarap ko sa buhay
Marahil ito ay maging matagumpay
Di sigurado sa daang tatahakin
Ngunit isa lamang ang aking mithiin

Ang pag-aaral ay sisiguraduhin
Pagiging estudaynte’y aking tungkulin
Sa pag-aaral ay hindi magkukulang
Pagmamalaki ‘to sa aking magulang

Gagawin lahat ng aking makakaya
Magulang ko lang ay aking mapasaya
Magsisilbing katuwang nila sa bukas
At mapanghuhugutan nila ng lakas

Ito ang isa sa maraming pangarap
Kahit na ito man ay napakahirap
Patuloy pa rin akong magsusumikap

Hanggang sa makamit ang aking pangarap

Mga Komento

  1. parang ako Yan di ko alam or di ko sure ung tatahakin ko and isang magandang tula ang aking nabasa napahanga Nyo po ako

    TumugonBurahin
  2. Tama po ito.. Gagabayan ako ng diyos sa aking tatahaking pangarap. Ako may ay nasa mababa pa lamang na grado ngunit alam kung malapit na, malapit na akong magtagumapay sa aking mga pangarap. At maaari ko ng magawa ang lahat sapagkat ako a nakapagtapos na...

    TumugonBurahin
  3. Mga Tugon
    1. Its right answer and it is helpful 😀😇🥰🤩

      Burahin
  4. Napaka gandang tula
    Ako po ay napahanga nyo 💖

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Ang Magkakambal na Jaakmal", isang maikling kwento tungkol sa terorismo

"Bukang-liwayway", isang tulang tugma tungkol sa isyung panlipunan