"Bukang-liwayway", isang tulang tugma tungkol sa isyung panlipunan

Bukang-liwayway

Marami ang problema ng ating bansa
Na kung saan tayo rin ang nagdurusa
Nag-aaway tayo parang aso’t pusa
Kaakibat nito’y masamang resulta

Isyu sa droga ang aking uunahin
Pagiging galak ang kanilang hangarin
Ngunit kasalungat nito ang epekto
Imbis na galak sila’y naaaresto

Walang habas na pagpatay ang kasunod
Patay dito, patay don, saanmang lungsod
Pero bakit kaylangang may mamamatay
Patunay ba talaga ‘to ng tagumpay?

Hindi mawawala ang isyung korapsyon
Tila isa itong malaking polusyon
Bakit ninanakaw ang kaban ng bayan
Talaga bang ito na’y kinasanayan

Simple lang naman ang sagot sa problema
Kailangan lang natin ng disiplina
Wag na wag tayong mawalan ng pag-asa

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Tagumpay", isang tulang tugma tungkol sa pangarap

"Ang Magkakambal na Jaakmal", isang maikling kwento tungkol sa terorismo