"Karapatang ? Pantao", isang sanaysay
Karapatang
? Pantao
Patuloy pa ring lumalaganap ang
walang habas na pagpatay o kung tawagin
ay “Extra Judicial Killing”. Bawat araw mayroong inosenteng taong kinikitil
nang walang kalaban-laban. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang walang habas na
pagpatay?
Ayon sa
Philippine National Police, hindi bababa sa libo-libong tao ang namamatay dahil
sa “Extra Judicial Killing”. Ang “Extra Judicial Killing” ay ang pagpatay sa
isang tao na wala manlang “due process” o malalim na pagpoproseso. Ang ilan sa mga biktima ng “Extra Judicial Killing” ay sila Kian
Lloyd Delos Santos na di umano’y tulak ng droga, Karl Angelo Arnais na
sinasabing isang holdaper kaya’t pinatay. Ito ay ilan lamang sa mga taong
pinatay nang walang sapat na ebidensya. Ito ay isa sa mga epekto ng “War on
Drugs” na panukalang proyekto ng ating Pangulong Duterte para mapuksa ang
droga. Para saan pa ang mga batas kung ito ay binabaliwaa lamang, lalo na’t ang mga tao pang gumawa ng batas ang
siyang hindi sumusunod dito.
Hindi na
makatao ang ginagawang pagbabago ng Administrasyon. Ang pagkitil ng buhay ng
iba, may kasalanan mang Malaki o maliit ay hindi solusyon upang makamit ang
tunay na pagbabago. Hindi porket nagkasala ang isang tao ay wala na itong pag-asa
upang magbago. Ang isang tao, bagkos ito ay isang karanasan na susubok sa
katatagan ng isang tao.
Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)
Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)
utot mo!
TumugonBurahin