"Ang Munti Kong Paraiso", isang tugmang tula tungkol sa kalikasan

Ang Munti Kong Paraiso

O natatangi kong inang kalikasan
Kapuri-puri ang iyong kagandahan
Ngunit bakit tila ito ay nagbago
Nag-iiba na ang dating paraiso

Akin ko paring naalala noon
Panahong luntian pa ang mga dahon
Napakabilis lumipas ang panahon
Ano ang nangyari sa paligid ngayon?

Ito ay unti-unti nang nasisira
Dahil minaltrato, para bang si Sisa
Ang ating paligid na pur luntian
Ngayo’y nababalot na ng kadiliman

Subalit mayroon pang pagkakataon
Na baguhin ang mga nangyari ngayon
Magtulungan tayong tanggalin ang lason
Ating gawing leksyon ang nangyari noon

Halika na, magtulungan at magbago
Wala ‘tong talo, lahat tayo’y panalo
Upang mabalik sa dati ang disyerto

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Tagumpay", isang tulang tugma tungkol sa pangarap

"Ang Magkakambal na Jaakmal", isang maikling kwento tungkol sa terorismo

"Bukang-liwayway", isang tulang tugma tungkol sa isyung panlipunan